129

Nov 16, 2019 @ 13:45
By

Bukidnon niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Inuga ng magnitude 4.3 na lindol ang Kadilingan, Bukidnon nitong Sabado.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol dakong alas-9:36 ng umaga, Nobyembre 16 may 8 kilometro northwest ng Kadilingan.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 9 kilometro.

Samantala, naramdaman ang Intensity III sa Davao City, Intensity II sa Kidapawan City, Intensity II sa Cagayan de Oro City at Intensity I sa Kidapawan City.

Walang inaasahang aftershocks at damage matapos ng lindol, ayon sa Phivolcs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?