180

By

Bukidnon niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang ilang bahagi ng Pangantucan sa Bukidnon, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang pagyanig sa Pangantucan, Bukidnon bandang 12:20 Sabado ng madaling araw habang nagkaroon naman ng Intensity 2 sa ilang bahagi ng Cagayan De Oro.

Nasa tectonic ang dahilan ng pagyanig na may lalim na walong kilometro.

Wala namang naitalang pinsala at aftershocks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?