109
VP Leni malaya sa pagtakbong Presidente – Panelo
By

Buhat ng maging drug czar: Robredo tumindi ang security

Mas lalong dumami ang umaligid na security kay Vice President Leni Robredo simula nang tanggapin ang pwesto bilang co-chairperson ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Ayon sa spokesperson ng bise president na si Atty. Barry Gutierrez, mas kailangan ng additional security ni VP Leni dahil mga malalakas na drug personality ang kanyang babanggain sa bagong posisyon.

“Mayroon pong dagdag na panganib ang trabaho na ito dahil drug lords ang kanyang makakalaban. Pero alam nila ito ang tamang gawin. Noong nag-decide na siya na tanggapin ang trabaho, nag-step up na ang kanyang mga security para masiguro ang kanyang kaligtasan,” saad ni Gutierrez sa panayam sa dzBB.

Batid ni Robredo ang mga kakaharaping banta sa kanyang buhay, maging sa kanyang pamilya, sa oras na tinanggap ang posisyon.

“Sa kabila ng mga babala na posibleng patibong lamang ito, naisip ni VP Leni kung makakapaligtas ako ng isang buhay ay sapat na ito para tanggapin,” aniya pa.

“Ang kanyang desisyon ay binase niya sa kung ano ang tama,”

“Pinaghahawakan namin ang sinasabi ng Malacañang na makakakuha ng full support si VP Leni,” eksplika pa nito.

“Gusto ni VP Leni na mapalakas ang enforcement. Ang gusto ni VP Leni, laban sa droga hindi laban sa tao,” Gutierrez said.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?