623

By

Bubuo na ng pamilya: Nicki Minaj babye na sa music scene

Pormal nang iiwan ng sikat na rapper na si Nicki Minaj ang entertainment scene.

Inanunsyo ng 36-anyos na rapper na kanya nang iiwan ang paggawa ng musika para magpokus na sa paggawa ng pamilya.

“I’ve decided to retire & have my family. I know you guys are happy now. To my fans, keep reppin me, do it til da death of me, in the box- cuz ain’t nobody checkin me. Love you for LIFE,” ayon kay Minaj sa kanyang Twitter account.

Engaged si Nicki sa music executive na si Kenneth Perry, ikakasal ang dalawa sa mga susunod na buwan.

Pinasikat ni Nicki ang mga kanta tulad ng ‘Super Bass’ at ‘Starships’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?