45

Mar 23, 2020 @ 18:39
By

BTS, nagbigay pag-asa sa panahon ng COVID-19 pandemic

Nagbigay ng ng isang positive message ang sikat na South Korean boy group na BTS nitong Lunes sa kasagsagan ng coronavirus disease pandemic.

Sa kanilang video na ipinost sa Youtube, inilarawan ng mga miyembro ng grupo ang kanilang napagtanto sa lumalaganap na krisis dulot ng COVID-19.

BTS (방탄소년단) 코로나19 국민 응원 메시지 COVID-19 Message [Stay Strong! Stay Connected!]

“We realize more than ever how meaningful our everyday life was. Standing on a stage facing empty seats, we realize how precious each moment with you was,” sambit ni Jin.

Pinasalamatan rin ng grupo ang lahat ng frontliners na lumalaban araw-araw upang sugpuin ang COVID-19.

Sabi ni J-Hope, “We want to thank the nursing officers, medical staff and everyone battling this virus to protect the safety and lives of the people,”

Ipinunto naman ni Jungkook na “we need trust more than doubt, care more than anger.”

“As citizens of Korea and of the world, BTS will face this challenge together with all of you,” dagdag pa nito.

Naniniwala naman si RM na malalagpasan rin ng lahat ang pandemic at babalik din ang lahat sa normal.

“Everyone, let’s all wait for things to return to normal and do our best where we are,” wika nito. (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?