43
BTS inulan ng parangal sa Melon Music Awards
By

BTS inulan ng parangal sa Melon Music Awards

Apat na Daesang o grand prize ang napanalunan ng K-pop boy group BTS sa katatapos lang na 2019 Melon Music Awards.

Dahil sa “Map of the Soul: Persona,” wagi ang Bangtan Boys sa mga kategoryang “Record of the Year” at “Album of the Year.” Wagi rin sila bilang “Artist of the Year” at nakamit din ang “Song of the Year” sa “Boy With Luv (feat. Halsey).”

Record-breaking ito dahil ito ang unang beses na isang K-pop group lang ang pinarangalan sa lahat ng Daesang sa isang year-end show.

May apat na iba pang award silang napanalunan sa MMA 2019: Top 10 Artists that year, Best Dance (Male), Kakao Hot Star Award, at Netizen’s Popularity Award.

Naganap ang MMA 2019 nitong Nov. 30 sa Gocheok Sky Dome sa Seoul, South Korea.

Congrats, BTS!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?