37

By

BTS humakot ng award sa Japan

Nagbulsa ng maraming award ang K-pop sensation na BTS sa taong ito na Mnet Asian Music Awards (MAMA) sa Nagoya Dome sa Japan nitong Miyerkoles.

Dinomina ng grupo ang “biggest Asian music awards event”.

Top three prizes ang tinuhog nila sa 2019 MAMA — Album of the Year, Artist of the Year at Song of the Year.

Kasama pa sa nakubra nila ang Best Male Group, Best Dance Performance-Male Group at Best Music Video.

Sabi ng member nitong si Jimin, hinahanda na nila ang susunod nilang album.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?