27

By

BTS bumida sa James Corden TV show

Puro magagandang feedback ang natamo ng TV show na “The Late Late Show with James Corden” matapos maging guest doon ang K-pop boy band BTS.

Bukod sa pag-uusap tungkol sa katatapos lang na 2020 Grammy Awards, unang beses nilang tinanghal ang kanilang pre-release single na “Black Swan” habang nakapaa.

Nakipag-tagu-taguan din ang Bangtan Boys kina host James Corden at kapwa nila bisita na si Ashton Kutcher, at walang kahirap-hirap na binuhat ng huli sina BTS members Jimin at Jin.

Tuwang-tuwa ang mga fan dahil nag-enjoy anila ang kanilang mga idolo sa nasabing palabas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?