87

By

BSP pinasara ang bangko ng AMA

Hindi na makakapag-operate ang AMA Rural Bank of Mandaluyong, base sa utos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Nilagay na sa ilalim ng receivership ang bangko ng AMA ng Philippine Deposit Insurance Corp. base sa order na nilabas ng BSP, at dahil dito ay hindi na maaaring makipag-transact ang nasabing bangko.

Sunod ang AMA Rural Bank sa mga nakatanggap ng receivership mula PDIC, ang iba ay Rural Bank of Lemery, Rural Bank of Larena (Siquijor), East Coast Rural Bank of Hagonoy, Rural Bank of Guihulngan (Negros Oriental), Valiant Bank, Palawan Bank at Rural Bank of Basey (Samar).

Ito ay kasunod ng utos sa PDIC na i-take over ang mga bangko na hindi mababayaran ang kanilang mga utang, o wala nang sapat na asset para mapunan ang kanilang mga liability.

Ang AMA Bank ang pinaka-15 na may malaking asset sa bansa sa P2.83 billion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?