1,110
Brutal na pagpatay kay Silawan, ikinuwento ng suspek
By

Brutal na pagpatay kay Silawan, ikinuwento ng suspek

Iprinisinta sa media ni Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde si Renato Bayuban Ranes, ang isa pang suspek sa brutal na pagpaslang kay Christine Lee Silawan.

Isinagawa ang pagpresinta sa Camp Sergio Osmeña na headquarters ng Police Regional Office in Central Visayas (PRO-7), dalawang araw matapos maaresto si Ranes sa Bohol noong Abril 9.

Inamin ng suspek na gumawa siya ng pekeng account sa Facebook para malinlang si Silawan at pagkadismaya ang nagtulak sa kanya para pagsasaksakin si Silawan at balatan pa ang mukha nito.

Nagkakilala umano sila sa Facebook at ginamit niyang account name ay CJ Diaz.

Madalas umano silang mag-chat at naging mag-on sila sa FB.

Nagkasundo umano silang mag-eyeball noong Marso 10 sa Sacred Heart Parish sa Lapu-Lapu City.

Nag-away umano sila nang malaman ng biktima na matanda na siya at gumamit siya ng pekeng account.

Habang patungo ng Barangay Bangkal ay doon niya pinatay si Silawan.

Sobra umano siyang nagalit nang malaman niyang may nangyari na kay Silawan at sa ex-boyfriend nito.

Inamin niyang nakagamit siya ng droga nang gawin ang karumal-dumal na krimen.

Gunting umano ang ipinansaksak ng 42-anyos na si Ranes sa 16-anyos na si Silawan at ginamit din na pangbalat sa mukha nito.

Mahigit 30 ulit umano niyang pinagsasaksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Natutunan umano niya kung paanong balatan ang mukha at leeg ni Silawan sa mga video sa social media.

Konsensiya ang nagtulak sa kanya para umamin at umaasa siyang mapalaya ang 17-anyos na isa pang suspek sa krimen.

Sa post ng Facebook page na zone makikita ang mukha ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?