93

By

Brownlee magsa-San Miguel Alab

Ayaw matenggang matagal ni Justin Brownlee.

Siniwalat ng newly-crowned 44th Philippine Basketball Association Governors’ Cup 2019-2020 Barangay Ginebra San Miguel resident import, na ilang linggo lang siyang magpapahinga sa Estados Unidos at nais ding bumalik agad sa tamang porma.

Sumama ang reinforcement sa Gin Kings celebration nitong Lunes sa Metrowalk, Pasig pagkaraang giyahan ang crowd favorite sa trono ng season-ending conference Biyernes, tinapos sa limang laro ang Meralco sa MOA Arena.

Isa sa naiisip ni Brownlee tapos nang maigsing balak na bakasyon ang bumalik agad sa ‘Pinas, di para antayin pa ang 45th PBA Commisioner’s Cup midseason conference kundi ang pagbakasakaling lumaro sa San Miguel Alab Pilipinas sa 10th ASEAN Basketball League 2019-2020 eliminations.

Sinusuportahan ang team na pag-aari nina Charlie Dy at Dondon Monteverde ng San Miguel Corporation na nagmamay-ari sa Gins.

Nabigyan na rin niya ng titulo Alab sa ABL nito lang 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?