49

By

Brownlee kay Durham: Iyo ang Best Import, akin ang championship

Kay Allen Durham ang award, kay Justin Brownlee ang panalo.

Tapos maungusan ni Durham sa Best Import of the Conference award, nagwala si Brownlee sa tono ng 27 points, 8 rebounds, 8 assists, 5 steals at 4 blocks kontra 2 turnovers lang sa loob ng kulang 42 minutes.

Resulta ay dambuhalang 94-72 win ng Ginebra sa Game 4 ng PBA Governors Cup Finals at 3-1 lead laban sa Meralco.

Susubukan ni Brownlee at ng Gin Kings na tapusin na ang best-of-seven sa Game 5 mamayang alas-siete nang gabi sa MOA Arena.

Kinamada ni Brownlee ang 15 points niya sa second quarter nang dumistansiya ang Gin Kings 42-31 sa break, pinabuka hanggang 90-63 sa jumper ni Mark Caguioa 3 ½ minutes pa.

Bago ang Game 4 ay itinaas ni Durham ang pangatlo niyang Best Import trophy. Nakuha niya ang unang dalawa noong 2016 at 2017, parehong taon na winasiwas ng Ginebra ang Meralco sa finals ng season-ending conference.

Tahimik na gumawa ng statement si Brownlee?

Baka “subconsciously” ay may gusto siyang patunayan, ayon sa kanyang coach.

“He really cares about winning for the team, not for himself,” pahayag ni Tim Cone.

Higit sa individual awards ang performance ng resident import na naghatid nan g tatlong titulo sa Ginebra kasama ang sa 2018 Commissioner’s Cup.

“Justin isn’t really about awards, he’s about championships,” dagdag ng coach. “That’s why we love him so much.”

Para kay Cone, kapag isinabit na ni Brownlee ang No. 32 jersey ay maaalala pa rin siya bilang isa sa best imports ng liga.

“Even though he didn’t win the Best Import award, he’s still going to go down as one of the best import, at least in Ginebra history. Maybe in PBA history,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?