292
Brownlee gumawa ng PBA record
By

Brownlee gumawa ng PBA record

Consolation prize ng Ginebra sa sorpresang talo sa NLEX sa Dubai ang record game ni Justin Brownlee.

Napakawalan ng Gin Kings ang 28-point lead at tumukod sa overtime 113-111 sa Coca-Cola Arena.

Tumapos si Brownlee ng 42 points, 20 rebounds at 10 assists, ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III, unang pagkakataon sa PBA na nakapaglista ng 40-20 triple-double.

Bago kay Brownlee, nagtala si Phoenix resident import Eugene Phelps ng 37 points, 23 rebounds at 10 assists noong 2018 Commissioner’s Cup.

“Really? Wow! Is that true?” gulat, ‘di makapaniwalang sabi ni Brownlee nang iparating sa kanya ang record. “It’s a great accomplishment, for sure, to do it in a league like this.”

‘Di makapaniwala si Brownlee sa nagawa.

“There have been a lot of great imports who have come in and put up huge numbers. I heard of a hundred-point game, I’ve seen a lot of other triple-doubles. It’s just a great honor to be recognized as a player who did that.”

Mas memorable sana sa kanya kung nakuha ang panalo, at ‘di natengga ang Gin Kings sa 1-2 card sa PBA Governors Cup.

Tapos ng first two quarters ay may 33 points na si Brownlee, kaya lang ay kinulambuan na ng Road Warriors pagbalik mula sa break.

“I just think we came out strong. They were showing a lot of, not necessarily double team, but I think a lot of help and stuff like that, so I was able to find Greg (Slaughter) and a couple of guys to make some plays and get them off my back a bit,” panapos ng import.

Inabot pa siya ng cramps sa magkabilang hita sa second half kaya bumagal na rin siya hanggang OT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?