60
Brownlee, Gins taob kina Kiefer, Erram
By

Brownlee, Gins taob kina Kiefer, Erram

Dapat ay ang NLEX Road Warriors ang mas pagod na team nang harapin ang Ginebra Sabado ng Gabi sa Coca-Cola Arena sa Dubai.

Pero determinadong bumawi ng Road Warriors mula sa 98-94 setback sa San Miguel Beer walang 24-oras bago hinarap ang Gins.

Kita ‘yun sa resulta nang umahon mula sa dalawang 28-point deficits ang NLEX – 61-49 at 72-44 – para nakawin ang panalo 113-111 sa overtime.

“We knew this team is going to be aggressive, make it tough for us,” bulalas ni Justin Brownlee, nilista ang unang 40-20 triple-double game sa PBA sa kinamadang 42 points, 20 rebounds at 10 assists.

“They showed who they really are in the second half.”

Sa pangunguna nina Olu Ashaolu, Kiefer Ravena, Philip Paniamogan at Poy Erram, bumalik ang Road Warriors para tapusin ang regulation 103-103. Sa extra period, si Jericho Cruz naman ang kumana.

Fouled out si Ashaolu pero tumapos ng 25 points, 12 dito sa third. May 21 points si Erram, nagsumite ng 20 points si Paniamogan mula 6 of 11 shooting sa 3-point range.

Si Ravena ay tumapos ng 13 points at career-high 17 assists. Siya rin ang nakapuwersa ng OT nang bumitaw ng tres sa harap ni LA Tenorio para tapusin ang regulation sa 103-103.

Kinamada ni Cruz ang lima sa kanyang 13 points sa extra period.

“They made tough shots, especially Kiefer,” bulalas ni Brownlee. “Even the long-haired guy (Paniamogan) and Erram. They all played great in the second half and made it tough for us to get stops.”

Napigil sa 1-2 ang Gin Kings, bumawi ang NLEX tungo sa 4-1 card sa PBA Governors Cup sa likod ng TNT (4-0) at SMB (3-0).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?