45
justin-brownlee2
By

Brownlee, Ginebra panalo kontra mga Koreano

Tinalo ng Barangay Ginebra ang Jeonju KCC Egis, 98-78, sa tune-up game Lunes bilang paghahanda sa 2019 PBA Governor’s Cup.

Pinangunahan ni Justin Brownlee ang laro nang magpasabog ng 36 points habang si Greg Slaughter naman ay umalalay ng 18 markers para sa Gin Kings.

Psabog agad ng 22 puntos ni Brownlee sa first quarter, na nagbibigay sa kanila ng malaking kalamangan na 52-33 sa pagtatapos ng unang hati ng laro.

Gumawa naman ng 14 points si Slaughter sa second half para sa Barangay Ginebra.

Tumapos rin si Aljon Mariano ng 8 points habang si Stanley Pringle ay umambag rin ng 7 points para sa crowd-favorite.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?