139

Dec 10, 2018 @ 16:26
By

Broner nagsusunog ng kolesterol para kay Pacquiao

Puspusan na ngayon ang pagsasanay ni Adrien Broner para sa nalalapit nitong laban kontra sa fighting senator ng Pilipinas na si Manny Pacquiao.

Sa mga video na pinost ni Broner sa kanyang Instagram account, makikita dito nasa gitna ng isang sparring session si Broner at may caption itong “4 the H-O-O-D”.

4 the H-O-O-D?❌?

A post shared by Adrien AB Broner (@adrienbroner) on

Kapansin-pansin rin na unti-unting nagbabago ang timbang ng American boxer mula nang una itong nakita ng mga tao na halatang wala sa tamang ayos at porma.

Sa isa pang video, makikita naman na nagsu-swimming ang 29-anyos na boksingero at four-weight division champion bilang bahagi ng kanyang pagbabawas ng timbang.

Kailangan din ni Broner ng malakas na stamina para masabayan nito ang liksi at bilis ng eight-division champion na si Pacquiao sa oras makaharap niya ito.

Sa Enero 19, 2019 maghaharap ang dalawa sa MGM Grand sa Las Vegas para sa WBA regular welterweight belt na hawak ngayon ni Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?