232
shabu-1
By

Broadcaster, call center supervisor huli sa shabu

Swak sa piitan ang isang freelance radio brodcaster/DJ at call center suspervisor kasama ang dalawa pa matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region sa Project 8, Quezon City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ni ang mga nadakip na sina Marieto Laurino, 40, freelance radio broadcaster/DJ; Arbie Yu Chua, 36, cellphone technician; Winnie Hunter, 31, procurement officer; at Louwy Manabat, 40, call center supervisor.

Patuloy namang tinutugis ang nakatakas na kasamahan ng mga ito na si Leodegario Juaquin.

Naaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Regional Special Enforcement Team dakong alas-9:00 ng gabi (September 20) sa 28 Finance Street, Brgy. Bahay Toro, Project 8 matapos na makipagtransaksyon sa kanila ang PDEA Agent na tumayong buyer ng shabu.

Nakumpiska sa mga nadakip ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000; drug paraphernalia; identification cards; passports at buy-bust money.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nakapiit sa PDEA headquarters habang inihahanda ang kaso nilang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?