181

By

Briton inaresto matapos magwala sa NAIA

Isang British national ang dinakip ng Manila International Airport Authority security dahil sa pagsira sa ilang gamit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Kinilala ang banyaga na si Benjamin Hopkins, 27, residente ng 14 Gresham Road, London.

Patong-patong na kaso ng malicious mischief, direct assault, at resistance and disobedience to a person of authority ang isinampa laban kay Hopkins sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Ayon sa report, hindi pinayagang makapasok ng Hong Kong Immigration si Hopkins dahil sa sobrang kalasingan nito at inilipat ng Manila para maibiyahe ng London sakay ng Philippine Airlines flight.

Dinala si Hopkins sa exclusion room habang hinihintay ang kanyang flight pa-London.

Pero nagwala ito at pinagsisira ang mga gamit sa loob ng isang banyo gamit ang mop.

Binasag nito ang salamin, lababo at lalagyan ng mga toilet paper.

Inawat si Hopkins pero imbes na kumalma ay inatake nito ang airport policemen na walang nagawa kundi kasuhan siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?