196

By

British rapper Cadet patay sa car accident

Pumanaw na ang sikat na rapper ng United Kingdom na si Cadet, o Blaine Cameron Johnson sa tunay na pangalan, sa edad na 28.

Pinsan siya ng kapwa rapper na si Krept.

Namatay si Cadet matapos masangkot sa car accident patungo sana sa isang event.

Kinumpirma ng pamilya nito sa Twitter ang pagkamatay ng rapper habang nasa loob ito ng taxi.

Ilang kapwa music stars ni Cadet ang nagpahayag ng kanilang kalungkutan sa social media sa pagpanaw ng rapper.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?