82

By

Brgy. chairman swak sa aksidente umanong pamamaril sa mall

Kalaboso ang isang barangay chairman matapos aksidenteng makalabit ang gatilyo ng kanyang baril na malubhang ikinasugat ng dalawang tao sa loob ng malaking mall sa Dagupan City, Pangasinan noong Sabado.

Kinilala ng Dagupan City Police Station (DCPS) ang suspek na si Melecio Daroya Sapiera, 45, barangay chairman ng Barangay Banaoang, Calasiao, sa nasabing lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon, kasalukuyang nasa loob ng mall sa Dagupan City ang suspek na magbabayad ng kanyang bill sa food court nang ilabas niya ang kanyang baril.

Dito, aksidente umanong nakalabit ng barangay chairman ang gatilyo ng kanyang baril at tinamaan ang dalawang biktima na humiling na huwag munang pangalanan, ayon sa DCPS.

Agad na sinugod sa pinakamalapit na ospital ang dalawang biktima para sa kanilang agarang gamutan.

Inaresto ng mga pulis si Sapiera ilang minuto matapos ang insidente at nahaharap sa kaukulang kaso laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?