31

By

Breakup letter ni Tupac kay Madonna, ipapa-auction

Mabibili na sa auction ang sulat ni American rapper Tupac kay Madonna.

Pasikretong nag-date noong 1990s sina Madonna at Tupac pero nito lang nilantad ng singer ang tungkol sa kanilang relasyon.

Isinulat umano ni Tupac ang breakup letter noong nasa kulungan siya.

Itinakda sa $100,000 ang opening bid nito sa auction memorabilia company na Gotta Have Rock & Roll.

Sa three-page breakup note ni Tupac, sinabi nitong tatapusin na niya ang sexual relationship nila ni Madonna dahil sa pagiging “white” ito.

Inapela noon ni Madonna na kanya ang sulat at hindi ito pwedeng maibenta pero legal niya itong na-transfer sa dating kaibigan at art consultant na si Darlene Lutz noong 2004 kaya pag-aari na umano ito ng huli at maaari niyang ibenta, ayon sa New York Supreme Court ruling.

Mapupunta ang bahagi ng mapagbebentahan sa breastcancer.org.

Magsisimula ang bidding online sa July 17.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?