43

Jun 7, 2019 @ 17:40
By

Bradley Cooper nilayasan na ni Irina Shayk

Napaulat na umalis na si Irina Shayk sa £3.6M mansion ng boyfriend nitong Bradley Cooper dahil sa pagkakalabuan umano ng relasyon ng dalawa.

Ayon sa ulat, lumayas ang model sa Los Angeles home ng 44-anyos na aktor matapos manlamig ang kanilang apat na taon nang relasyon.

Binitbit umano ni Irina ang 2-anyos nilang anak ni Cooper na si Lea De Seine.

“Things are cooling off between Bradley and Irina in a big way. They haven’t been good for a few months and Irina decided it would be best if she moved into her own place. It’s not looking like there’s much long left for the two of them together,” sabi ng source ng The Sun.

Magugunitang napabalitang may namumuong romance sa pagitan ni Cooper at co-star niya sa “A Star Is Born” na si Lady Gaga at balitang pinagselosan pa ang chemistry nila ni Shayk

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?