159
dead-body

Bowling gold medalist, inutas sa cafeteria

Sharing is caring!

Dead on the spot ang isang bowling gold medalist ng 1992 World Youth Championship at general manager ng bowling center makaraang tirahin sa loob mismo ng cafeteria ng bowling lanes kahapon sa Ortigas Avenue, Greenhills, San Juan City.

Batay sa nakalap na report mula kay Police Senior Superintendent Dindo Reyes, hepe ng San Juan Police, naganap ang pamamaril bandang alas-5:00 ng hapon ng Biyernes sa loob ng cafeteria ng E-Lanes Bowling na matatagpuan sa Ortigas Avenue, Greenhills.

Nakilala ang nasawi na si Angelo Nathaniel Constantino, general manager ng E-Lanes Bowling, bowling coach at gold medalist sa 1992 World Youth Championship.

Ayon sa report, nagmemeryenda ang biktima sa loob ng cafeteria nang pasukin ng hindi pa nakikilalang suspek at biglang binaril na agad nitong ikinasawi.

Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng yellow scooter one at naka-black helmet patungo sa direksyon ng Aurora Boulevard, Quezon City.

Samantala, nagluluksa ngayon ang mga miyembro ng Philippine Bowling Federation sa sinapit ng bowling coach at gold medalist ng bansa.

Kaugnay nito, nagsasagawa ng dragnet operation ang San Juan Police upang matukoy ang pumatay sa biktima habang iniimbestigahan na nila ang CCTV monitor upang matukoy at malutas ang krimen. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?