259

By

Boracay Tubi ni Lucio Tan bumubuga ng basura sa ilalim ng dagat

Cease and desist order ang hatol ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) laban sa water concessionaire na Boracay Tubi, pagmamay-ari ni Lucio Tan, upang isara nito ang sewage pipe sa Boracay.

Nakuhaan kasi ng video ng Koreanong diver na si Charn Joon Park ang isang pawikan na nakapasok ang ulo sa isang sewage pipe sa ilalim ng tubig.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na posibleng dahil sa maligamgam na temperatura ng tubig mula sa pipe kaya nakatambay doon ang ulo ng pawikan.

Mula rin sa ulat, tingin ni Park, nasa 400 hanggang 500 metro mula sa baybay ang naturang pipe, 20 metro mula sa coral reef, at nasa lalim na 15 metro.

35% ng water and sewerage needs ng Boracay ang kontrolado ng Boracay Tubi.

Setyembre 18, 2019 nang kunan ni Park ang video, habang Setyembre 19 naman ang order ng DENR.

Binigyan ang kompanya ni Tan nang pitong araw upang tumugon sa DENR.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?