22
Booker, Suns ginutay ang Nets
By

Booker, Suns ginutay ang Nets

Sa pangunguna ni Devin Booker, nagliyab sa 3-point range ang Phoenix Suns para gutayin ang Brooklyn Nets 138-112 Linggo ng gabi.

Pagkatapos ng first three quarters, 16 for 34 mula sa labas ng arc ang Suns bago kumampay sa panalo – pang-apat sa limang laro.

Mula sa field ay 10 of 14 si Booker, 4 for 5 sa 3-pointers tungo sa 27 points, namigay pa siya ng 9 assists.

Nagdagdag si Ricky Rubio ng season-high 22 points at 12 assists sa Phoenix. May 18 poitns si Kelly Oubre Jr., tumapos ng career-high 15 points si rookie Cameron Johnson.

Pasok ang 10 sa unang 11 tira ng Suns kabilang ang 4 for 5 sa 3s, abante ng 20 ang Phoenix sa quarter. May dalawang 3s at dalawang dunks si center Aaron Baynes sa first 3 minutes.

Namuno ang 18 points ni Spencer Dinwiddie sa Nets, may 15 points si Kyrie Irving mula 7 of 16 shooting.

Napituhan ng anim na fouls at napuwersa sa five turnovers sa first quarter ang Brooklyn kaya naiwan 32-13.

Sinamantala ng Nets ang panlalamig ng Suns sa bukana ng second para dikit ang laro 42-40 pagkatapos ng pangatlong 3 ni Garrett Temple off the bench.

Pero tinapos ng Phoenix ang period sa 22-6 run para muling lumayo, tampok ang 3 sa tuktok ni Oubre sabay sa buzzer – huling puntos sa kanyang 16 sa half.

Nakisali sa 3-point barrage si Dario Saric sa third tungo sa 85-59 Suns lead at 102-73 sa 31-foot 3 din ni Booker two minutes pa sa period

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?