55

By

Boodle fight ng litson binida sa Pampanga vs ASF

Nagsama-sama ang mga residente at opisyal ng San Fernando at Angeles, Pampanga sa isang boodle fight ng litson bilang patunay na ligtas ang kanilang mga karneng baboy at iba pang meat product matapos kumpirmahin ng Department of Agriculture (DA) na pumasok na sa bansa ang African swine fever (ASF).

Iba’t ibang putahe ng lutuing baboy at litson ang pinagsaluhan sa naganap na boodle fight sa New Public Market, Barangay del Pilar, Pampanga ang kanilang binida na may temang “Karne sa City of San Fernando, sa African Swine Fever, Ligtas at Garantisado”.

Pinangunahan ni Mayor Edwin Santiago ang boodle fight na nilahukan din ng lahat ng mga tindero ng karne, at nagluto ng kanilang mga espesyal na putahe.

“There is no African swine fever in the capital city,” ito ang tiniyak ng Santiago matapos tiyaking maayos ang kanilang mga karneng baboy mula sa commercial farms at backyards dahil sa suporta ng DA, Provincial Veterinary Office, at Pampanga Swine Producers Association, Inc..

“Dito sa Siyudad San Fernando ay wala pong swine fever dahil may sistema tayo kung paano mapanatili ang kaligtasan at kalinisan ng mga karne na ibinebenta natin sa palengke,” paliwanag ng alkalde.

Sa kabila nito, malaki naman ang pasasalamat ng ilang meat vendors sa pagbibida ng kanilang akalde upang sagipin ang kanilang kabuhayan na pag-aalaga at pagbebenta ng mga baboy.

“Kami pong mga nagtitinda ay nagkakaisa at sinisiguro na ang lahat ng mga karne ay dadaan po sa ating slaughterhouse, at kumpleto po lahat ang aming health certificates. Kaya naman, masasabi po namin na ang palengke dito sa Siyudad San Fernando ay ligtas at malayo sa African swine fever,” ayon kay Arjel Aquino, meat vendor at pangulo ng Vendors and Traders’ Association sa nasabing palengke.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?