52
Boobay may natutunan sa dinanas na mild stroke
By

Boobay may natutunan sa dinanas na mild stroke

Mas matalino na raw si Boobay ngayon sa pag-handle sa napakaraming trabaho para hindi siya mapagod nang sobra.

Natutunan niya ito mula nang ma-stroke siya noong 2016.

Iniiwasan na umano niya ngayon ang stress sa pamamagitan ng pagpunta sa personal niyang buhay.

Ang sobrang pagkapagod daw ang dahilan kaya na-mild stroke siya noon kaya sinisikap niyang huwag nang abusuhin ang kanyang katawan.

Kapag nararamdaman na niya na napapagod na siya ay nagpapahinga na siya.

Epektibo umano sa kanya ang pagtungo sa personal niyang buhay.

“Kailangan may laan talaga for the family, sa loved ones mo, para bukod sa trabaho, mayroon kang personal,” paliwanag ni Boobay sa PEP report.

Isa umano sa stress reliever niya ang alagang aso na si Kendra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?