837

By

Bonggang ‘super yate’ ni Jackie Chan, pinasilip

Nai-deliver na kay actor Jackie Chan ng Chinese Shipyard na JinLong ang kanyang 150-talampakang haba na “superyacht”.

Makalipas ang dalawang taong construction, nakuha na ito ng 65-anyos na si Chan na pinasilip sa China.

Ang Dutch firm na Mulder Design ang nag-design ng interior at exterior ng vessel.

Tampok sa all-aluminum yacht ang monochromatic paintwork na may “JinLong” sa harapan na kulay ginto.

May maximum speed umano na 21 knots ang twin MTU 16V 2000 M84 diesel engines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?