50

Mar 26, 2020 @ 14:31
By

Bongbong Marcos umaayos na ang pakiramdam

Inihayag ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na naka-self quarantine siya at naghihintay ng resulta ng kanyang COVID-19 test.

“I am deeply touched and overwhelmed by you concern over my condition. Don’t worry, I am doing ok and contrary to popular belief, I am home on self-quarantine,” pahayag ni Marcos sa kanyang Facebook page.

Nauna rito, inihayag ng kanyang kapatid na si Senadora Imee Marcos na masama ang pakiramdam ng kanyang kapatid mula nang dumating Pilipinas galing sa Spain.

“As my sister said, a few days ago I was feeling a little under the weather and as a result to get checked. We are still waiting for the results,” dagdag pa nito.

Sa ngayon aniya’y maayos ang pakiramdam at patuloy na lumalakas habang lumilipas ang araw sa tulong na rin na mga doktor at nurse na nag-aalaga sa kanya.

“Fortunately, I feel much better and I am getting stronger by the day. I have no doubt in mind that this is partly due to excellent work of the nurses and doctors who helped me during this time,” ayon pa sa dating senador.

“I am inspired and moved by the show of courage and commitment of our health workers. You are true heroes in these most trying times. Thank you!” sambit pa nito.

Nagpasalamat din ito sa publikong sa pagmamahal at concern nito sa kanyang kalusugan.

“I am hoping and praying for everyone’s safety and good health. Please don’t let the sacrifices of health workers and other frontliners go to waste. Let’s us stay home,” sabi ng anak ng dating Pangulong Marcos.

“Again, thank you for your love and concern,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?