126
Bongbong Marcos nag-sorry sa mga biktima ng posibleng food poisoning
By

Bongbong Marcos nag-sorry sa mga biktima ng posibleng food poisoning

Humingi ng paumanhin si Bongbong Marcos sa nangyaring posibleng food poisoning sa ika-90 birthday celebration ng kanyang ina na si Imelda Marcos.

Sa kanyang statement na inilabas sa social media, sinabi ni Bongbong na nadala na lahat ng mga naapektuhan sa mga ospital para maaksyunan.

“Aming napag-alaman na ilan sa mga dumalo sa birthday celebration na inorganisa para sa aking ina ay nakitaan ng sintomas ng food poisoning. Lahat po ng mga naapektuhan ay dinala na sa oospital upang malapatan ng lunas,” saad ng dating senador.

Inaalam na ng mga awtoridad ang naging sanhi ng posibleng food poisoning.

“Kami po ay nakikipag-ugnayan sa mga naapektuhan at patuloy na umaasikaso sa kanila. Ako po ay humihingi ng paumanhin at lubos na pag-unawa sa nangyaring ito,” ayon pa.

“Makaaasa po kayo sa aming tulong hanggang sa ang lahat ay tuluyang gumaling.”

Sa pinakabagong report, nasa 200 katao na ang dinala sa mga ospital dahil sa suspetsang food poisoning sa nasa 2,500 katao na dumalo sa selebrasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?