978

By

Bongbong interesado sa 2022 elections

Muling susubok makabalik sa politika si natalong vice presidentiable na si Bongbong Marcos.

Sa panayam sa ‘Hot Seat’ ng Manila Times Television, sinabi nito na ‘definitely interested’ siya sa muling pagtakbo sa 2022.

Ngunit ibabatay niya umano ito kung hindi Smartmatic ang magiging tech provider para sa 2022 polls.

Matatandaan na inakusahan niya ng pandaraya ang Smartmatic nang matalo siya ni Vice President Leni Robredo noong 2016.

Bintang niya, nakipagtulungan si Robredo sa Smartmatic at Comelec para mabago ang resulta ng botohan.

“We have just completed the comment that we are going to submit to the Presidential Electoral Tribunal and we expect the case to start moving faster in January or February next year,” saad ni Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?