573

By

Bong Tan inoobserbahan pa matapos mag-collapse

Kinumpirma ng pamilya ni Bong Tan, ang anak ng Philippine Airlines chairman at CEO na si Lucio Tan Sr., na nasa ospital ngayon ito matapos mag-collapse sa kalagitnaan ng basketball game sa Mandaluyong City, Sabado ng umaga.

Ayon sa statement, naka-admit ngayon si Tan sa isang ospital sa Mandaluyong at nasa stable condition na.

Ngunit inoobserbahan pa rin ito at dadaan pa sa ilang diagnostic test kasunod ng pag-collapse.

Nananawagan ang pamilya ng dasal para kay Tan, na presidente ng PAL Holdings at University of the Philippines head coach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?