130

By

Bong Revilla sa ‘The Gift’ pinagdebatehan sa Twitter

Kanya-kanyang opinyon ang mga netizen matapos umugong ang balita ng pag-guest ni Senador Bong Revilla sa GMA drama series na “The Gift” ni Alden Richards.

Napabalitang magbabalik sa GMA Network si Revilla sa hindi pa tinutukoy na drama-fantasy show para sa mga bata.

Binatikos ng ilan ang pagbabalik sa showbiz ng senador gaya ng kilalang kritiko ng gobyerno na si Apo Hiking Society singer Jim Parades.

Nag-trending ang hashtag na #NoToBongRevillaOnTheGift nitong Martes dahil sa pagdedebate ng mga netizen tungkol dito.

May nagsabing makakasira lang ang mambabatas sa show ni Alden habang may nag-comment na hindi dapat kuwestiyunin ang pagbabalik showbiz ni Revilla dahil bago ito naging politiko ay isa itong magaling na aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?