187

Bong Go tanging senatoriable na legal gumamit ng Filscap campaign jingle

Si Bong Go lang ang senatorial candidate na pwedeng gumamit ng mga kanta ng Filipino Society of Composers, Authors and Publishers, Inc. (Filscap) bilang campaign jingle.

Ito ay ayon kay Filscap General Counsel Michael Hernandez, sinabing tanging si Go lamang at tatakbong mayor sa Pasay City na si Jon Wilfredo ang nakakuha ng lisensya sa paggamit ng kanilang kanta.

Inilahad ni Hernandez na may tatlong copyright license na dapat kumpletuhin ang mga tatakbo para legal na magamit ang kanilang mga kanta.

“Generally, there are three copyright licenses that must be secured by political candidates who intend to use copyrighted music: one, a modification or adaptation license if the lyrics of a copyrighted song will be changed or modified to make a campaign jingle,” saad sa pahayag ng Filscap.

“Two, a reproduction license if a copyrighted song will be recorded or copied (whether the lyrics are revised or not), and the third, a public performance license if a copyrighted song will be played to the public as campaign jingle, or as entertainment or background music during a campaign rally or event,” ayon pa.

Saad ng Filscap marami pa rin umanong mga kandidato ang hindi batid na kailangan ng sapat na lisensya para magamit ang ilang mga kanta sa pangangampanya.

“While very many political candidates are now aware that they need to secure a license if they change the lyrics of a song to make campaign jingle, most of the political candidates are still not aware that a license must also be secured if copyrighted music will be played as background or entertainment music.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?