378
Lugi ka! Kris binalaan si Falcis sa pagbanat sa social media
By

Bong Go nag-sorry kay Kris: Nagpapatawa lang ako

Humingi ng paumanhin si senatorial candidate Bong Go kay Kris Aquino kaugnay sa pagbibiro nito sa naging relasyon ng huli kay Philip Salvador.

“Ma’am Kris Aquino, paumanhin po. Kung may nasaktan, nagpapatawa lang kami. Hindi na namin gagamitin ang joke na ‘yun,” saad ni Go.

Paliwanag ni Go, ang kanyang campaign spiel kung saan inasar niya si Salvador na maraming nilokong babae kabilang na si Kris ay para umano mapagaan ang mood ng audience at hindi upang mang-insulto.

Kanina binuweltahan ni Kris ang “Naloko mo nga si Kris Aquino” joke ni Go.

Sinabi niya na lubos siyang nasaktan dahil ginamit ang kanyang pangalan at ginawa pang materyal para sa biro ni Go at sinabing dahil dito ay matatalo si Go sa pagka-senador.

View this post on Instagram

So much hurt deeply in the past few days. i was shown this video while in 🇯🇵 and had actually reached out to Senatorial Candidate Bong Go because turo ng Dad ko- panindigan mo na good sport ka… i was doing a #konmari on my phone & lumabas yung video…pinanuod ko ulit. Yun ang pagkakamali ko, may black eye nung Friday, napangahan ng Tuesday tapos nakita ulit na punchline ako sa campaign sortie at pinagtatawanan dahil nga “naloko” ako. Wala po akong atraso sa inyo SAP BONG GO. i have only had good words for you pero sana sa paglilingkod nyo para sa mga Pilipino bilang Senador (i know you are a SURE WINNER), sana priority nyo rin po ang mga kababaihan. Kris Aquino na ko pero madaling gawing “joke” na “naloko” ako ng ama ng panganay ko. Nagtrabaho ako, at hindi ako pinabayaan ng pamilya ko. But what about the women without financial security & family? Sorry ha- minalas- nandun kasi yung “NALOKO”… nakadapa na po, nung pinanuod ulit at narinig yung tawanan ng audience, isa pang sampal sa taong umaamin, matatalo sya.

A post shared by Kris Aquino (@krisaquino) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?