4,297
Bong Go kumain sa karinderya, mga customer natuwa
By

Bong Go kumain sa karinderya, mga customer natuwa

Malakas na chant na “Go! Bong Go! Go! Bong Go!” ang pumailanglang sa isang palengke sa Cagayan de Oro nang mapuna ng mga customer na ang dating special assistant to the president na si Christopher “Bong” Go ay kumakain sa isang karinderya doon.

Napagdesisyunan ni Go na kumain sa isang karinderya sa Cogon Market sa Cagayan de Oro matapos ang motorcade campaign niya sa Lungsod.

Ipinagpasalamat naman ni Bong Go ang mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga mamamayan sa Cagayan de Oro.

“Thank you for the warm welcome, which was as hot as the weather now. It’s really gratifying and inspiring to serve for your benefit,”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?