717

By

Bong Go kay ‘Bikoy’: May araw ka din!

Babalik ang karma sa nasa likod ng mga narco video ng nagpakilalang “Bikoy” na nagsasangkot kay Pangulong Rodrigo Duterte, pati na pamilya nito sa iligal na droga.

Ito ang inihayag ni dating Special Assistant to the President at ngayo’y senatoriable Bong Go kasunod ng mga walang basehang bintang ng nagpakilalang “Bikoy” kung saan pati siya ay inakusahang tumatanggap ng drug money sa sindikato sa pamamagitan aniya ng bank account na nakapangalan sa kanyang mga kamag-anak.

Sinabi ni Go na panahon ngayon ng eleksiyon kaya inaasahan na niyang gagawin sa kanya ang ginawang paninira noon kay Pangulong Duterte ng kanyang mga kalaban para mapabango ang kanilang mga kandidato.

“May araw din ‘yun,” ang maiksing sagot ni Go.

Pero sa kabila ng paninira, naniniwala ang dating kalihim na hindi makakakuha ng simpatiya ang mga nasa likod ni Bikoy, bagkus ay lalong walang maniniwala sa kanila.

Tiniyak naman ni Go na hindi siya apektado ng paninirang nakapaloob sa mga narco video at pinayuhan aniya siya ni Pangulong Duterte na huwag pansinin ang paninira at ituloy lamang ang ginagawang pagtulong sa mga lumalapit sa kanya.

Pabirong sinabi ng dating aide ng Pangulo na ipapa-ventosa niya ang ulo ng numero unong kritiko ng administrasyon para mawala aniya ang hangin sa ulo nito matapos igiit na ipinabura nito ang dragon tattoo sa kanyang likod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?