61

By

Bong Go: Ikulong, pagmultahin mga prank caller

Nais ni Senador Bong Go na maitapon sa bilangguan at mapagmulta ang mga prank caller lalo na iyong mga tumatawag sa mga emergency hotline ng gobyerno para lang manloko.

Punto ni Go, nilikha ang emergency hotlines para ma-improve ang public safety at hindi para gamitin sa panloloko.

Sa kanyang Senate Bill 400 o “Anti-Prank Callers Act of 2019”, isinalarawan ni Go ang prank call bilang “mischievous or malicious telephone call made to trick or fool someone with the intention to annoy, abuse, threaten, harass, or solicit any comment, request, suggestion or sound which is obscene, lewd, lascivious, filthy or indecent, or a call intending to make false requests or false alarm of an emergency, knowing the report or information or alarm to be false.”

Dagdag ni Go, mula nang ma-activate nationwide noong 2018 ang emergency hotline 911, umabot sa 2,475 ang natanggap na tawag ng dispatcher pero 75 lang dito ang totoo.

Mahigit 1,000 ang dropped calls at 300 naman ang prank calls.

“Anytime a prank call comes in, it takes away from the dispatcher’s opportunity to help somebody who is in distress,” paliwanag ni Go.

Ang mga lalabag umano sa batas kontra prank calls ay maaaring makulong ng isa hanggang 30 araw at pagmultahin ng P5,000 sa first offense.

Sa second offense, ang mga lalabag ay makukulong ng isa hanggang anim na buwan at multang P10,000.

Kapag ginawa naman ito sa ikatlong pagkakataon, mahaharap ang violator ng anim na buwan hanggang sa anim na taong pagkakulong at multang P20,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?