31

Jun 30, 2020 @ 16:02
By

Boluntaryo na! DOH atras sa pagdestino ng mga barrio doctor sa Cebu City

Hindi na itutuloy ng Department of Health ang plano na ilipat ang ilang doktor mula sa mga barrio ng Western Visayas patungo sa mga private hospital ng Cebu City, na patuloy ang pagsirit ng mga COVID-19 case.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, sila’y dismayado sa hindi pagpayag ng mga doktor na madestino sa Cebu City, ngunit para walang angal ay nagkaroon na lamang ng kasunduan.

“Noong nakipag-usap tayo marami ang nagrefuse, and it is quite disheartening because nasa public health emergency tayo and sana ‘yung commitment ng ating government workers are there,” saad ni Vergeire.

“Nevertheless, ang ginawa natin, nakipagdialogue tayo ulit with them and now ang ating recourse would be this would all be voluntary para lang wala muna tayong issue for the meantime,” aniya pa.

Ayon pa kay Vergeire, ang pagpapadala sana ng 40 rural doctor sa Cebu City ay para matugunan ang pangangailangan ng karagdagang frontliner sa lungsod dahil sa patuloy na pagsirit ng kaso na nasa 5,141 na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?