87

By

Bolinao, Pangasinan inuga ng magnitude 4.2 lindol

Isang magnitude 4.2 na lindol ang tumama sa Bolinao, Pangasinan nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol sa southeast ng Bolinao, Pangasinan dakong ala-1:37 ng hapon.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 26 kilometro.

Naramdaman ang Intensity I sa Dagupan City.

Dagdag ng Phivolcs, walang inaasahang aftershocks o pinsala ang nangyaring lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?