37

Bolick siniguro: Gilas mananalo vs Tunisia!

Determinado si Robert Bolick na makubra na ng Gilas Pilipinas ang kanilang unang panalo sa 2019 FIba World Cup.

Sa Twitter, dineklara na ni Bolick na kukunin na nila ang panalo ngayong gabi, sa pagharap nila kontra Tunisia sa classification phase ng torneo.

Isa ang NorthPort rookie sa mga silver lining ng Gilas sa kasalukuyang WC campaign, nag-average ng 7.7 points sa loob lamang ng 12.6 minuto sa playing court.

Haharapin ng Gilas ang Tunisia, na binabandera ng dating Dallas Maverick player na si Salah Mejri.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?