82

By

Bolick kailangang operahan

Ilang buwang magagarahe ang NorthPort prolific guard na si Robert Bolick dahil sa natamo nitong injury sa tuhod sa pagsagupa sa San Miguel Beer noong nakaraang Miyerkoles.

Inanusyo ito ni NorthPort team owner Mikee Romero sa kanyang Facebook account

“Robert, we wish you the best in your operation,” ayon kay Romero. “The team will miss you for a couple of months, but I’m sure you will comeback stronger.”

Hindi pa sinasabi kung anong naging injury ni Bolick para idaan sa surgery, maglalabas ang NorthPort ng statement ukol dito.

Nagpa-MRI test ang Gilas stalwart, at tila hindi maganda ang naging resulta dahil kinailangan pa ng second option para dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?