434

By

Boksingerong si Patrick Day pumanaw na

Namatay na si boxer Patrick Day, 27, ilang araw matapos magtamo ng head injuries sa isang bout sa Chicago.

Matapos ma-knockout kay Charles Conwell noong Sabado, naka-stretcher na inilabas ng ring si Day at comatose na sa ospital.

Nitong Miyerkoles ay binasag ng kanyang promoter na si Lou DiBella ang balita.

“Patrick Day passed away today, October 16, [2019,] succumbing to the traumatic brain injury he suffered in his fight this past Saturday, October 12, at the Wintrust Arena in Chicago, Il.,” anang pahayag. “He was surrounded by his family, close friends and members of his boxing team, including his mentor, friend and trainer Joe Higgins.”

Hindi na nagkamalay si Day pagkatapos ma-knockout sa 10th round. Tumalbog pa ang ulo niya sa canvas pagbagsak.

Nilagyan ng medical responders ng oxygen mast at neck brace si Day bago dinala sa Northwestern Memorial Hospital.

Ayon sa ESPN, walang malay si Day at nagka-seizure pa bago dumating ng ospital. Nilagyan na agad siya ng breathing tube.

Sa junior middleweight, 17-4-1 at may 6 KOs si Day bilang pro. Champion siya sa 2012 Golden Gloves at welterweight national champion din ng 2012 USA Boxing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?