38
ombudsman

Bohol mayor sinuspinde ng Ombudsman dahil sa SALN

Napatunayang guilty ng Ombudsman sa neglect of duty ang alkalde ng Bohol dahil sa kabiguan nitong ideklara ang mga negosyo ng kanyang misis sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Sinuspinde ng isang buwan at isang araw si Bohol Mayor Danilo Guivencan.

Ayon sa Ombudsman, ang hindi paglagay ng mayor sa kanyang SALN mula 2010 hanggang 2012 sa mga negosyo at iba pang financial connections ng kanyang asawa ay malinaw na isang neglect of duty.

Sa counter-affidavit, sinabi umano ni Guivencan na hindi niya nabigyan ng pansin ang detalye sa kanyang SALN na ginawa ng kanyang staff.

Batay umano sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, lahat ng public officials at employees ay kinakailangang maglahad ng kanilang mga ari-arian, net worth, financial at business interests kada taon.

Kabilang dito ang financial at business interests ng kanilang asawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?