95
60-anyos na negosyante patay sa pamamaril sa Digos
By

Bodyguard ng mayor tinodas ng kasamahan

Patay ang isang bodyguard ni Aroroy, Masbate Mayor Arturo Virtucio matapos na barilin ng kasamahan nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan, Huwebes ng madaling-araw.

Idineklarang dead on arrival sa Masbate Doctors Hospital ang biktimang si Renato Ragas, 42, civil security sa Office of the Mayor ng Aroroy at residente ng Barangay Puro ng nabatid na bayan.

Samantala, naaresto naman ang suspek na si Julius Torres, 26, kasamahan sa trabaho ng biktima.

Sa ulat ng Aroroy Municipal Police Station na ipinadala sa Police Regional Office 5 nitong Biyernes, alas-3:55 ng madaling-araw nang makatanggap ng tawag ang Aroroy MPS mula sa concerned citizen hinggil sa naganap na barilan sa Barangay Cabangcalan.

Agad namang rumesponde ang pulisya sa lugar sa pangunguna ni Police Major Louie Manuel Dela Pena, hepe ng Aroroy MPS, at doon nila nalaman na ang suspek at biktima ay parehong bodyguard ni Mayor Virtucio.

Lumabas sa imbestigasyon na lulan ng Toyota Hilux ang suspek at biktima kasama ang dalawang iba pa nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Pinahinto ng biktima ang kanilang sasakyan sa kahabaan ng Barangay Cabangcalan upang umihi subalit lingid sa kaalaman nito na sumunod pala ang suspek bitbit ang M16 rifle at agad na binaril ang una sa likurang bahagi ng katawan.

Nakakulong na ang suspek sa Aroroy MPS detention cell habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?