35

BOC chief pamumunuan ang anti-smuggling task force

Itinalaga ni Finance Secretary Carlos Dominguez III si Customs Commissioner Isidro Lapeña na pamunuan ang bubuuin na inter-agency task forces sa mga rehiyon.

Ayon kay Dominguez, layon ng task force na mapalakas pa ang kampaniya kontra smuggling sa mga probinsiya.

Iginiit ng kalihim na napakahalaga ng matibay na pag uugnayan ng Customs at Bureau of Internal Revenue.para labanan ang smuggling maging ang mga iligal na negosyo.

“We would like the cooperation between the BIR and the Customs to go down to the regional level. They have to be meeting regularly on the regional level, not only in the national headquarters,” sabi pa ni Dominguez.

Giit pa nito karamihan sa mga smuggled goods ay ibinebenta sa mga probinsiya.

Inihalimbawa nito ang joint operation ng NBI at BIR sa isang tindahan sa Nueva Ecija kung saan nadiskubre ang daan-daang kahon ng mga smuggled na sigarilyo. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?