69

By

Blood delivery via drone, ilulunsad sa ‘Pinas

Nakipag-partner ang Philippine Red Cross (PRC) sa drone delivery service na Zipline.

Ibunyag ng U2 frontman na si Bono, na board member ng Zipline, ang kauna-unahang drone-based blood delivery service sa bansa.

Inilahad niya ito sa mga mamamahayag kasama sina Senador Richard Gordon at US Ambassador Sung Kim sa PRC headquarters nitong Martes, Disyembre 10.

Ang Zipline ay nagde-deliver ng dugo sa pamamagitan ng drone sa buong bansa.

Maliban sa dugo, naghahatid din ito ng mga gamot via drones sa mga pasyente na nasa remote areas.

Inaasahang ilulunsad ang proyekto sa 2020 kung saan maghahatid ang Zipline ng dugo mula sa Philippine Red Cross hanggang sa tatlong distribution center sa Visayas region.

Layon ng medical-supplies-by-drone scheme na makapag-operate ng 24-oras kada araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?