334

By

Black tinapik ang anak sa PBA draft

‘Di na lumayo si coach Norman Black sa 2019 PBA Draft, Linggo, sa Robinsons Place-Manila.

Sa second round na pumili ang Meralco Bolts, sa No. 6 pick (18th overall) ay tinawag ang pangalan ni Aaron Black ng Ateneo.

‘Di pinakawalan ni coach Norman ang kanyang anak, magsasama sila ngayon sa iisang team.

May isa pang pick ang Bolts sa third round, ginamit nila ang No. 6 (29th overall) kay Michael Canete ng Arellano U.
Nag-pass na ang Bolts sa fourth. (VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?