21

By

Black, AMA Online Education lulunurin ang mga Marinero

Susundan nina Aaron Black at AMA Online Education ang kanilang huling panalo pagharap kontra Marinerong Pilipino Huwebes alas-5:30 ng hapon sa 2019 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena, Pasig.

Kasalukuyang gumagawa ng ingay si Aaron, anak ni PBA great at current Meralco coach Norman Black, sa liga matapos magtala ng dalawang triple-doubles sa unang dalawang laro nito.

Uma-average si Black ng 25.5 points, 15.5 rebounds at 12.5 assists, kasama na ang 26-point, 16-rebound, 14-assist performance nito sa para sa panalo ng Titans 110-92 laban sa iWalk noong nakaraang linggo para sa 1-1 record.

Proud naman si AMA coach Mark Herrera sa ipinamamalas ni Black kasama ang Titans.

“Binibigyan ko siya ng kumpiyansa. Kilala ko na siya simula bata pa; naging player ko nung nag-13 under ako. Nakita ko na kakayahan niya. Ngayon naibibigay ko na ‘yung gusto niyang laro, nagpapasalamat naman tayo,” pahayag ni Herrera.

Dahil rito, paghahandaan naman ng Skippers si Black at ang Titans.

“May special plan kami para kay Aaron Black,” sambit ni Marinerong Pilipino coach Yong Garcia. “Pero our focus is sa team defense. Dapat ang buong AMA ang paghandaan namin.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?