91
Biyaheng Manila-Los Baños ng PNR, arangkada na
By

Biyaheng Manila-Los Baños ng PNR, arangkada na

Ginagamit na ang tren na dinonate ng Japan sa Pilipinas.

Bumibiyahe na ang rutang Tutuban (Manila)-Los Baños (Laguna) ng Philippine National Railways (PNR) matapos sumailalim sa rehabilitasyon ang tren.

Ayon kay General Manager Junn Magno sa Inquirer report, dating inspection train ng PNR ang premium Kogane train.

Kaya nitong magsakay ng may 81 na pasahero.

Aabot ang biyahe ng mga pasahero mula Manila tungong Los Baños ng halos dalawang oras sa pamasaheng P150.

Dahil sa limitado ang operasyon nito, itinakda sa 5 a.m. at 5 p.m. ang biyahe nito.

Target naman ng PNR na ma-extend ang kanilang operasyon sa San Pablo City sa Laguna rin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?